Refer a Friend Pinoy

Magrekomenda ka ng kaibigan o kakilala at kumita ng $75

Naghahanap kami ngayon ng magagaling na dairy (o kaya sa pig and goat) farm workers na katulad mo para magtrabaho dito sa New Zealand.

Sa bawat taong mairekomenda mo at mahanapan namin ng bagong trabaho, bibigyan ka namin ng $75 sa unang araw ng kanyang trabaho.

Ito ang mga kinakailangang maipakita sa kanilang aplikasyon:

  • Andito na ngayon sa New Zealand
  • 6-12 buwan minimum na experience sa dairy (para sa mga Pilipino, ang experience ay dapat galing sa labas ng Pilipinas)
  • mga dokumento na nagpapatunay ng kanilang mga naging trabaho sa abroad
  • mahusay sa Ingles – alam mo bilang isang dairy farm worker dito sa NZ kung ano ang sapat na husay sa Ingles na kinakailangan
  • walang criminal record at hindi pa natanggihan sa pag-apply ng visa dito sa New Zealand

Pakibasa ang mga kondisyon sa ibaba.

Isulat lang ang mga impormasyong kailangan namin at kami na ang bahala sa mga susunod na hakbang!

  • Impormasyon tungkol sa iyong inirekomenda

Mga kondisyon:

  • Ang promo na ito ay mula 28 April hanggang 31 May 2020 lamang, ngunit maari pang mapalawig;
  • Walang garantiya ang FRENZ na maipapasok sa trabaho ang iyong kaibigan, at wala ring garantiya na siya ay maaprubahan ng Immigration New Zealand sa kanyang aplikasyon;
  • Ang FRENZ ay may karapatan na di tanggapain ang iyong mga inirerekomenda kung sa mga naunang pagkakataon ay paulit-ulit kang nagrerekomenda ng mga kaibigan o kakilala na walang sapat na  kwalipikasyon ayon sa takda ng FRENZ Recruitment;
  • Yung referral mo ay hindi dapat dating nag apply na sa amin at nakausap na namin. Sasabihin namin ito sa iyo agad kung ganito nga ang kalagayan ng iyong ni-refer.

  • Kung ang inirekomenda mong kaibigan ay mapiling kanididato ng FRENZ, kinakailangan niyang pumirma ng ‘Agency Placement Contract’ at ‘Terms of Engagement’ sa FRENZ Recruitment & Immigration;
  • Maaari naming tanggapin ang mga inirerekomenda mong nagtatrabaho na dito sa New Zealand ngunit di namin sila tatanggapin kung sila ay may kontrata narin sa FRENZ o nagtatrabaho na para sa mga kliyente ng FRENZ.