May plano ka bang magbakasyon sa Pilipinas sa mga susunod na araw o buwan? Narito ang pinakamabilis na paraan para makakuha ng OEC

Ngayong meron na tayong bagong POLO office sa Wellington (yay!) at dahil parating na ang panahon ng bakasyon sa Pilipinas, magandang mapaalalahanan tayo sa paraan ng pagkuha ng OEC.

Hindi ka makakabalik sa NZ kung wala kang OEC o kaya Exemption

Ang OEC (Overseas Employment Certificate) ang magiging Travel Clearance mo para makalabas ng Pilipinas. LAHAT ng temporary work visa holders maliban sa Open Work Visa Holders (mga visa na walang nakalagay na employer) ay kinakailangang iprisinta ang OEC sa  Immigration Counter sa  airport; dahil kung wala ito, hindi ka makakalabas ng bansa.

Umpisahan ang proseso ng maaga

Ang OEC o ang  exemption dito  ay napaka importante para makabalik ka sa New Zealand, at ang proseso sa pagkuha nito ay napaka mabusisi, at may mga dokumento pang kinakailangang pirmahan ng boss mo para isumite. Dahil dito, mas mabuting  umpisahan mo na ang proseso  4-6 weeks bago ka umalis para sa iyong holiday.   Dagdag pa, tandaan na kapag ang iyong passport ay mag e- expire sa loob ng 6 na buwan bago ka bumiyahe, kinakailangan mo munang magpa renew ng passport bago ka maka- apply ng OEC mo.

May 3 paraan para ka makakuha ng OEC

Ang pag-apply mo ng OEC ay depende kung paano ka nakarating dito sa NZ at kung ikaw ba ay nagbago ng employer mula nang dumating ka dito sa NZ.

  1. Kung ikaw ay Returning Worker o babalik lang sa dati mong farm (‘Balik-Manggagawa’), puwede ka nang dumiretso sa POEA BM online account mo para makakuha ka ng ‘OEC Exemption’ gamit ang link na ito: https://www.bmonline.ph.  Ito lang ang tanging paraan para makakuha ka ng ‘OEC exemption’ kung ikaw ay isang ‘Returning Worker’

Matapos mong gawin ang nasabing online procedure at kung ikaw ay mabigyan ng exemption, i-print molang yang OEC-exemption mo at ito na ang magsisilbing Travel Clearance mo, wala ka nang ibang dapat pang gawin.

  1. Kung ikaw ay isang  Returning Worker pero ang dati/luma mong OEC ay hindi nakalagay ang pangalan ng employer mo ayon sa iyong visa, halimbawa, kung ikaw ay gumamit ng isang recruitment agency, kinakailangan mong gawin at dalhin ang mga sumusunod na dokumento sa POEA:

1. Mag set ka ng online appointment sa POEA o sa pinakamalapit na branch nito sa pamamagitan ng BM Online Processing System sa www.bmonline.ph ayon sa gusto mong araw at oras.

2. Dalhin mo ang mga sumusunod na dokumento sa iyong POEA appointment:

  • Kopya ng passport;
  • Visa
  • Employment contract
  • Certification mula sa recruitment agency tungkol sa paglagay nila sayo sa farm mo (ibinibigay ito ng FRENZ sa mga kliyente nito);
  • Luma mong OEC, kung nasa iyo pa
  1. Kung nagbago ka ng employer habang nasa NZ,  ibig sabihin ay hindi pa ito rehistrado sa POEA, kinakailangan mo munang ipa-verify ang mga employment documents mo sa POLO Wellington, at pagkatapos ay isubmit ito sa POEA o sa kahit saang branch nito  para makakuha ka ng OEC.

Paano ba magpa verify ng mga dokumento sa POLO?

Ayon sa kalakaran ng POLO Wellington, para ma-verify nila ang employment documents mo, kinakailangan mong:

  1. Mag set ng online appointment sa POEA o sa pinakamalapit na branch nito sa pamamagitan ng BM Online Processing System sa www.bmonline.ph ayon sa gusto mong araw at oras.
  2. Dalhin ang sumusunod:

a. Original copy ng Employment Contract (pirmado ng parehong employer at employee)

b. Kahit ano sa sumusunod:

  • Orihinal na kopya ng pirmadong Addendum alinsunod sa minimum requirements ng POEA sa pagkuha ng mga Pilipinong trabahador upang magtrabaho sa labas ng Pilipinas, na magiging karugtong na ng iyong employment contract; o di kaya ay,
  • isang insurance policy na maaaring pumalit sa Addendum, kinakailangan lang na mayroong probisyon tungkol sa repatriation at medical evacuation sa Pilipinas,  sakaling ikaw ay mamatay o magkasakit. – Samakatuwid, kumuha ka ng ‘OFW Insurance”

c.  Kopya ng iyong Work Visa

d.  Kopya ng iyong passport na may 6 months validity bago ka umalis ng bansa

e.  Kahit anong pruweba ng iyong trabaho, tulad ng Certificate of Employment, Company ID o pay slip

f.   Sworn Statement o Affidavit mo na nagpapaliwanag kung paano ka nalipat sa bago mong employer (Note: Sa mga Justice of the Peace dito,  bibigyan kalang nila ng form kung saan idedetalye molang kung paano ka nalipat ng employer)

  1. Idagdag morin ang mga sumusunod:
  1. Bayad na (prepaid) self-addressed return envelope o airway bill mula sa isang international courier
  2. Bayad para sa verification fee na hindi maaaring bank transfer.  Ito ay  NZD$16.00 na mababayaran sa pamamagitan ng Bank Check o Postal Money Order (for OFWs outside Wellington) payable sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) Wellington. Siguraduhin mong nakasulat ang pangalan mo sa likod ng Postal Money Order o Bank Check.
  3. Ipadala ang mga nasabing mga dokumento sa:
POLO Wellington
c/o Philippine Embassy Wellington,
New Zealand #50 Hobson St. Thorndon, New Zealand
  1. Pagkatanggap mo ng iyong mga verified employment documents galing sa POLO, pumunta na sa pinakamalapit na POEA office at isumite ito, para maibigay ang OECmo.

Addendum Requirement vis-à-vis OFW insurance package

Karamihan ng mga employer dito sa NZ ay hindi komportable na pirmahan ang Addendum dahil sa mga requirements nito, kaya ang maaari mong ipalit dito ay ang “OFW insurance package” na may probisyon para sa repatriation at medical evacuation, ayon sa mga alituntunin ng POEA. Para sa OFW insurance na ito, karamihan ng mga workers ay pumupunta sa PAMI-OFW insurance para kumuha ng OFW insurance package (USD$30 per year of coverage).

Kinakailangan mong personal na pumunta dito para makuha mo agad ang iyong policy sa mismong araw ng iyong pag-apply.

Para mas mabilis, maaari mong papuntahin ang kahit sinong kaanak o kaibigan sa PAMI Office (sa POEA Main Building) para mag-apply nito para sa iyo. Ilang oras lang ito aabutin (medyo mag aantay kalang ng kaunti, alam mo naman ang ugali ng mga tao sa mga opisina sa Pinas).

Kapag inabot na ang Certificate of Coverage ng OFW insurance policy mo, sabihin mo sa nag-apply na kaibigan o kamag anak na ipa scan agad ito at ipadala sa email mo para maisumite mo sa POLO Wellington.

Ang iyong insurance certificate, kung kinuha ito ng personal, ay matatanggap rin sa mismong araw na ikaw ay nag-apply para dito.

Kung may pga tanong kapa, puede mong ipdala ito sa:
support@frenz.co.nz
or tumawag sa 0800 89 13 14 or sa facebook

Contact Us

8 Adelaide Street, Auckland 1010. New Zealand

+64 21 711 071 | 0800 891 314

Sign Up